Pampasuwerte sa pag-aaral

Tanong: Ano ang Fengshui charm para maging masipag ang aking anak sa pag-aaral? Grade 3 pa lang pero nagpapakita na ng katamaran sa pag-aaral. -M.O.M.

Sagot : Magdispley ka ng 9-level Pagoda Tower para ang magkaroon siya ng “focus”. Kadalasan, kaya sila tinatamad sa pag-aaral ay dahil laging aburido ang isipan sa paglalaro at paglalakwatsa. Kung magkakaroon sila ng focus sa school activities, magiging seryoso sila sa pag-aaral. Iyon ang bertud ng Pagoda Tower upang makamtan ang academic success. Idispley ito sa northeast ng kanyang study table or bedroom. Nabibili ito sa Ongpin.

 

Show comments