Kilala ang bundok Makiling dahil sa magagandang view na makikita rito.
Marami itong iba’t ibang uri ng insekto, halaman, at hayop na hindi likas na matatagpuan sa ibang kagubatan.
Pero hindi lang pala rito sikat ang Mt. Makiling, may kwento rin itong kagila-gilalas dahil may isang diwata raw pala ang nagrereyna rito, si Maria Makiling.
Maraming lokal nga ang nagsasabing nakita mismo ng kanilang mga mata si Maria Makiling.
Siya raw ay may kayumangging balat, itim ang mga mata, maganda, at mahinhin kung gumalaw. Siya raw ay ang diwatang tagapagbantay ng Mt. Makiling na may edad kaparehas ng bundok.
Ngunit sabi ng ibang matatanda, matagal na raw hindi nagpapakita si Maria Makiling dahil sa pag-aalisputang ginagawa ng mga tao sa bundok, malaki raw ang tampo at tila dismayado ang diwata sa mga taong limot na ang mga salitang “malasakit sa kalikasan”.
Anyway, marami pa ring hiker ang naniniwala rito dahil sa tuwing aakyat sila ay parang may “nanay” daw sila, maalaga at payapa kasi ang pakiramdam ‘pag inakyat mo ang bundok na ito lalo’t ipinararamdam mo ang respeto at pagmamahal sa kapaligiran.