Paano naaamoy ang takot ng ibang tao?

Katulad ng ibang senses na pagdinig, pagtingin, paghawak, at panlasa importante rin ang ating ilong na akala natin ay maliit lang ang gamit nito.

Ang ilong natin ay nakatutulong na ikaw ay ma-in love at makaalam kapag tayo ay nasa panganib. Maraming dalang proteksiyong pang kalusugan ang ating ilong.

Ayon sa mga scientist, makakaamoy tayo ng 10,000 ng iba’t ibang scent na ngayon ay umaabot na rin ng trillion na amoy na kayang langhapin ng ating ilong.

Sa research, maaamoy din natin ang takot ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang pawis. Nagkakaroon din tayo ng sexual arousal sa simpleng pag-amoy sa damit at pawis sa ibang tao.

Ang amoy ng baby ay nakaka-addict sa isang nanay. Nasasagap kasi ng utak ng ina ang amoy ng sanggol na nagpapagising ng dopamine sa brain na isang chemical na tulad ng mga taong hinahanap-hanap ang lasa ng masarap na kinain niya.

Ayon din sa pag-aaral mayroong 14 hugis o klase ng ating ilong. Mula sa pagiging matangos, pango, bulagsa, pahaba, maliit, malaki, malapad, o perpektong hugis nito.

Ang ilong na bukod sa parte ito ng ating itsura sa ating mukha, ito ay proteksiyon din mula sa mga impeksyon; ang ilong ay may epekto rin sa ating boses.

Ang ugali raw ng tao ay nakikita sa hugis ng kanyang ilong. Ayon sa matatanda, kapag mahaba at malaking ilong ay sumisimbolo rin ng strength at power.

Mas marami naman naaamoy ang mga babae, kesa sa mga lalaki.

Show comments