Kung inaakala mo komo nagtatrabaho ka na, hindi mo na kailangang mag-ayos ng iyong sarili, nagkakamali ka rito.
Karamihan sa mga kompanya gusto nilang may iisang uniform ang kanilang mga empleyado. Inaasahan nila ang leader o supervisor ng opisina ay siyang magiging magandang halimbawa sa iba tulad ng pagpapakita ng modest at professional na appearance.
Sa survey, ang mga empleyadong provocative, unprofessional, pasosyal, masyadong traditional o sumobra naman sa hinihinging dress code ng opisina ay madalas hindi nakakapasa sa interview pa lang. Kasi ang physical na anyo na sobra sa pangkaraniwang pagbibihis ay nakaka-distract din sa paningin. Maging ang haircut o gupit ng buhok, paghihikaw ng mga lalaki sa opisina, pagpapakita ng tattoo, masangsang o malakas na pabango ay nakakatawag din ng negatibong pansin.
Kung ang kompanya mo ay may magandang image at ikaw bilang representative ng opisina gusto nilang mag-reflect sa iyo ang organization hindi ng iyong individual style. Puwera na lang kung ikaw ay sa hair salon o tattoo shop nagtatrabaho o ‘di kaya ikaw ay model ng isang kompanya. Karamihan gusto ng kompanya na lahat ng kanilang empleyado ay may dating na professional image at hindi ang pagiging konserbatibo mo.