Bakit mas mainam matulog ng walang panty?
Napapansin n’yo ba mga Ate, kahit anong hugas at ligo mo palagi, minsan ay may amoy pa rin ang iyong ‘private area?’
Nakakaasiwa, nakakahiya, nakakailang ‘di ba lalo na kung kasama mo ang iyong partner at may ‘balak kayong gawin o kaya ay may katabi ka o kausap na up close and personal.
May mga bagay na hindi ninyo alam na nagiging sanhi ng vaginal odor.
Natalakay na natin ang tungkol sa condom, douching, sobrang dalas ng paghuhugas, pagpapawis, masikip na kasootan, napkins/tampons.
Narito ang iba pang bagay na puwedeng maging dahilan ng vaginal odor.
Pagsusuot ng underwear sa gabi- Ipinapayong matulog ng nakahubad o kung hindi naman ay huwag mag-underwear nang sa gayon ay mapreskohan ang vagina. Masarap naman matulog ng presko ‘di ba.
Scented body wash- Maaari ring maging sanhi ng pangangamoy ng vagina ang paggamit ng scented body wash o scented lotion sa vaginal area.
Laundry detergent- Ang mga sabong panlaba na matatapang ang amoy pati na ang mga fabric softeners ay maaaring makairita sa vagina na siyempre magiging sanhi ng pangangamoy. Kung may allergy sa ginagamit na sabong panlaba, gumamit ng unscented detergent sa paglalaba ng underwear.
Makapal na pubic hair - Ang makapal na pubic hair ay maaari ring maging sanhi ng pangangamoy ng vagina kaya ipinapayong i-trim, i-wax, o i-shave ito.
Synthetic materials - Ipinapayong gumamit na panty na ang tela ay cotton. Ang mga synthetic materials kasi ay hindi nakakadaloy ang hangin kaya mas magpapawis ang vaginal area na magiging sanhi ng pangangamoy.
- Latest