Lilipat sa ibang relihiyon

Panaginip: 1) I’m 40 years old pero sa panaginip ay bata pa ako. Ang eksena ay first communion ko. May nakadikit na ipis sa ostiya kaya ayaw kong ibuka ang aking bibig nang sinusubuan ako ng pari. 2) Bigla ko na lang sinaksak sa dibdib ang kapitbahay ko. Hindi ko alam kung namatay dahil nagtago ako sa mga pulis. - Jane

Interpretation: 1) Darating ang panahon na hihina ang iyong pananampalataya sa Roman Ca­tholic Church at ikaw ay lilipat sa ibang relihiyon.

2) May mga pagkakataon na bigla ka na lang magbibigay ng opinyon na ikinasasakit ng kalooban ng iyong kausap.

 

 

 

Show comments