^

Para Malibang

Bakit hindi na tumatamis ang grapes na napitas na?

Pang-masa

Nagtataka ba kayo kung bakit may mga ubas na sing-asim ng kamias? Joke lang. He he he.

Pero nakabili na ba kayo kay manang tindera sa palengke ng maasim na ubas kahit sinabi pa niyang matamis ang kanyang paninda?

Eh hindi ba kayo nagtataka na kahit pahinugin n’yo ito ay wala na itong pag-asang tumamis pa at nabubulok na lang na maasim?

Puwes narito ang eksplanasyon kung bakit may mga ubas na maasim.

Ayon sa iba’t ibang sources sa Internet, ang ethylene (plant hormone) ang siyang may sala sa pagkahinog ng mga prutas. At habang nagma-mature ang isang prutas ay naglalabas ito ng ­ethylene bilang gas.

Ang ibang magsasaka naman ay bumibili pa ng equipment para makapag-produce ng ethylene na pang-spray para pantay-pantay at sabay-sabay na mahinog ang kanilang mga inaning prutas.

Sa kaso naman ng grapes, nakaimbak ang sugar nito sa ugat sa pamamagitan ng surcrose. Ito ang dahilan kung bakit hindi na tumatamis pa at nahihinog ang grapes kapag napitas na ito.

Kaya sa susunod na bumili kayo ng ubas sa palengke o kahit supermarket, siguraduhin n’yo munang tikman kung matamis ba ito. Hindi na kasi tatamis pa ang ubas kahit mamuti ang mata n’yo sa kahihintay. Burp!

Reference: http://www.winepress.us

ACIRC

ANG

AYON

ETHYLENE

HINDI

ITO

KAHIT

KAYA

PERO

PUWES

UBAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with