Ano ang sinisimbolo ng nirarampa mong sapatos?
Ang mga sapatos na may heels ay dinisenyo lamang para talaga sa mga lalaki. Dahil ang sapatos na may heels ay simbolo ng wealth at aristocracy. Mas madali kasing sumampa sa kabayo ang kalalakihan noong araw kapag may heels ang kanilang sapatos.
Ang pangalang sikat ng shoe label na si Jimmy Choo ay ginawa ang kanyang unang footwear noong siya ay 11 years old. Siya ay galing sa angkan ng mga shoemakers, ang tatay niya ang unang nagturo sa kanya ng ganitong craft.
Ang unang boots ay ginawa at dini-signed lamang, walang iba kundi para kay Queen Victoria noong 1840.
Ang pag-shopping ng sapataos ay higit pa sa pagpapalit mo ng susuotin sa iyong mga paa. Ang sapatos ay nagsisibolo ng pananaw mo sa buhay. Ang pagpapalit ng sapatos ay pagpapalit din ng role, paniniwala, at pananaw mo sa buhay. Kaya kung ang panaginip mo ay nakalimutan mo ang sapatos, nagsasabi rin ito ng iniiwan mo na ang nakaraan. Samantalang ang lumang sapatos ay nagsisimbolo rin ng iyong “hard work” o kasipagan mo sa buhay.
Ang dating Unang Ginang na si Imelda Marcos ay may koleksiyon ng sapatos mula 1965 hanggang 1986. Nang patalsikin ang pamilya Marcos, naiwan lang sa Malacañang ang kanyang 15 mink coats, 508 gowns, 1,000 handbags, at 1,056 na pares ng sapatos. Taliwas naman sa mukha ng kahirap ng mga Pinoy sa bansa.
- Latest