Nasubukan mo na ba ang bisa ng honey?
Mahina ba ang katawan mo dahil ikaw ay sakitin? Madaling mapagod, sipunin, o ubuhin? Subukan mo ang mga bisa ng honey.
Ang pulot o honey ay isang pagkaing nagbibigay ng nutrisyon sa ating kalusugan. Nagtataglay ito ng Bitamina A na nagpapalinaw ng ating mata; nagbibigay ng mineral, ang simpleng sugar ng honey ay nakatutulong sa pagpapahusay sa sirkulasyon ng organo at dugo sa ating katawan.
Nagpapalakas din ito ng immune system bilang anti-biotic para labanan ang germs na nagpapalaganap ng ubo at sipon.
Nagbibigay din ito ng Vit B na siyang nagpapaunlad ng body tissue at buto para madagdagan ang pagtaas ng isang tao. Sa pag-inom ng pulot ay nakapapawi ng pagod dahil sa taglay nito na adaptogen.
Pinapatak din ang honey sa sugat o hiwa ng iyong balat at pagkatapos ay i-bandage ito. Pinipigilan ng honey ang infection sa iyong sugat dahil sa malapot nitong texture para hindi pumasok ang germs at dumi sa iyong sugat.
- Latest