^

Para Malibang

Ano ang solusyon mo sa trapik?

Pang-masa

Bisikleta! Bisikleta ang nakikita kong solusyon sa matinding trapik sa Metro Manila. Kung marami ang gagamit ng bisikleta bukod sa sasakyan, mas makakabawas ito sa mabigat na trapiko at makakapag-ehersisyo pa ang mga mamamayan. Ayos ‘di ba? - RICO, Marikina

Lumilipad na kotse. He he he. Pwede sa kalsada at pwede rin lumipad. Siguradong solb ang problema sa trapik niyan. Ayon sa isang pelikula nung 80s, dapat by 2015 lumilipad na daw mga kotse. Sayang at mali ang pelikulang iyon. Tsk. Tsk. Tsk. Wala na yata talagang pag-asa ang mabigat na trapik sa ating bansa. - ALVIN, Manila

We should adopt the style of Singapore for managing their traffic. - STEPHEN, Quezon City

Para sa more efficient at effective public transportation. I’m looking at trains. I’m also on the fence about the new number coding proposal. Well, I’m very slightly partial to not implementing it but I’d like to hear more from the people supporting the proposal. MANNY, Camarines Sur

Dapat tanggalin na ang mga traffic enforcers eh. Grabe kasi makapangotong ‘yang mga ‘yan. At lalong nagkakabuhul-buhol ang trapiko kung may mga “buwaya”. Kaya sa tingin ko dapat bawasan ang mga traffic enforcers at mag-invest tayo sa mga traffic lights. ARNOLD, Laguna

  Hay naku kung sinong kandidatong presidente ang magbibigay ng kongretong solusyon sa trapik ang iboto natin.  Harinawa meron silang sagot ng matigil na ang forver sa trapik sa edsa. – Mae, Bulacan

Dapat alisin ng Land Transportation Office at L-T-F-R-B sa mga lansangan ang mga colorum na sasakyan, limitahan ang mga pribadong sasakyan at ipatupad ng mahigpit ang batas trapiko. Ganun lng naman kasimple ang buhay.  Buwusit na trapik. Beth, Laguna

Ano ba hindi na nga makapagbigay ng maayos na serbisyo ang gobyerno sa taumbayan ay gagawin pang 4-days kada-linggo ang trabaho ng mga manggagawa. Kawawa naman ang mga tao. pagod ka na nga sa trapik tapos babawasan din ang suweldo namin. trapik ang ayusin nyo hindi ang trabaho namin. – Gamie, Cavite

May iba pa kaming choice bilang commuter?  So siyempre mag-train? Kaso, kilo-kilometro rin ang haba ng pila sa lahat halos ng istasion mapa-LTR o MRT. Mag-shortcut? Eh kahit mga internal roads eh trapik na rin. Magresign sa trabaho at mag-home base na lang? Hindi naman lahat ng manggagawa may internet connection, at mahirap din namang maghanap ng trabaho na pwedeng maghome-base lang. Dalawang oras na nga ang advance ko para hindi ko matrapik ganun din.  ‘Pinas kelan ba tayo aasenso…- Banjie ng Caloocan.

 Bilyun-bilyong piso ang nawawala sa atin, at nanganganib ang kung ano mang pag-unlad ng ekonomiya. Ang daming sasakyan hind naman nadagdagan ang kalsada. Dapat kontrolin ang sasakyan. Kapag walang garahe wag payagan. – Cristie ng Mandaluyong

Maglakad at  magbike kung malapit lang naman ang pupuntahan. Nakapag-exercise ka pa. Nico ng Alabang

Tama yung suggestion na agahan ang bukas ng mga mall. Lalo na ngayong malapit na ang December.  – KC, Tondo

vuukle comment

ACIRC

ANG

BISIKLETA

CAMARINES SUR

DAPAT

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA

MGA

NBSP

STRONG

TRAPIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with