Ang pagkain na mayaman sa fiber ay mahalaga sa ating kalusugan. Tulad ng mga gulay o prutas na mayaman sa fiber ay nakakalinis ng inyong intestine at nakatutulong upang labanan ang pagkakaroon ng mataas na level ng kolesterol sa inyong katawan.
Ang mga pagkaing mayaman sa fiber na tulad ng malunggay, cantaloupe, papaya, spinach, wheat, mais, ampalaya, karot, petsay, at marami pang iba ay walang epekto sa pagtaas ng iyong timbang, kundi mas maganda pa nga itong pang-diet dahil mabilis kang mabubusog.
Ang pagkain ng fiber food ay nagpapaganda ng disgestive system na mabilis din matunaw ang kinain mo na mainam din sa iyong bowel movement sa araw-araw. Sa ganitong paraan ay ang mabilis ding nalilinis at natatanggal ang mga toxin sa loob ng iyong katawan.
Mahalaga ring uminom ng walo hanggang sampung 8 ounce na baso ng araw-araw upang maiwasan ang dehydration.