Ang normal at malusog na dila ay pink ang kulay na may manipis na white coating. Wala itong crack, singaw at marka ng kagat ng ngipin.
Red Tongue-Ang pulang dila ay nagpapahayag ng mainit na katawan dahil may lagnat, dehydrated, hormonal imbalance na nangyayari kapag menopause. Minsan, ang pamumula ay dulot ng sobrang stress o kaya, ‘heartbroken’ as in kabe-break pa lang sa syota. Kapag may hika, ang dulo ng dila ang namumula.
Purple or Blue Tongue-Alinman sa mga sumusunod ang problema: high cholesterol, bronchitis, hindi maayos ang sirkulasyon ng dugo, maraming sugar sa katawan.
White Coating-Normal lang kung manipis ang white coating ngunit kung makapal, ito ay indikasyon na hindi nililinis ang dila sa pamamagitan ng sepilyo. Nagiging dahilan ito ng fungal infection at bad breath. Namumuti rin ang dila kapag napasobra ang paggamit ng mouthwash na may sangkap ng matapang na chemicals.
Yellow Coating-Nagiging dilaw ang ‘coating’ kapag makapal ang plema dulot ng sipon at ubo.
Black or gray coating-Senyales na tigilan na ang paninigarilyo at sobrang pag-inom ng kape. May hindi na magandang nangyayari sa iyong kalusugan.