Hindi masama ang magkaroon ng opposite sex na kaibigan. Katunayan masayang may kaibigan o kabarkada kang lalaki kung ikaw ay babae, o vice versa, pero dapat may hangganan ang pagiging close ninyong dalawa lalo na kung ikaw may asawa. Ano ang mga dilemma ng sobrang close sa opposite sex mong kaibigan?:
Pagkakaibigan – Saan pa ba nagsisimula ang mga “affair” ng dalawang tao, kundi sa mga pagiging magkaibigan o “bestfriend”. Sa una, akala ng dalawang magkaibigan o close friend ay harmless lang ang kanilang pagpi-flirt o landian.
Hala, huwag sobrahan ang biruan, palitan ng text, tawagan sa telepono, at never dapat magkita o mag-bonding na nagso-solo lang kung saan din nabubuo ang mas malalalim na tinginan o relasyon.
Oras - Sa dalas ng pagsasama o pagkikita ng dalawang opposite sex na magkaibigan, mas nakararamdan ng malakas na boltahe sa kanilang simpleng physical na hawakan o yakapan. Sa bandang huli, hindi na mapigilan ang lakas ng atraksyon ng pisikal sa itinuturing mo lang sanang “close friend” na nauuwi sa infidelity o bawal na relasyon.
Kaya huwag din masyadong mag-invest ng oras at emosyon sa iyong close friend. Dahil hindi nila namamalayan na nakapag-invest na sila ng oras at napupunuan na ang emosyonal na pangangailangan ng bawat isa.
Lamat – Sa mas malalim na pagsasama ng lalaki at babae, sa malas ang relasyon ng mag-asawa ang nagkakalamat dahil tuluyan nang nahulog ang sarili sa “close friend” mo.
Maglagay ng distansiya sa pagitan ng itinuturing mong opposite sex na kaibigan. Wala ka nang hahanapin pang iba, kung gagawin mong bestfriend ang iyong asawa. Malalayo ka pa sa tukso at mas komplikadong bagay kung maglalagay ng boundary sa iyong pakikipagkaibigan.
Pagtibayin at palakasin ang relasyon sa iyong asawa at huwag masilaw sa kaway ng kahit sa malapit mong opposite sex na kaibigan.