Marami na ngayong pagpipiliang pagkain mula sa mga organic food. Ibig sabihin ang mga pagkain tulad ng gulay, prutas, o karne ay hindi dumaan sa pesticides o nilagyan ng mga gamot.
Ang prutas o gulay ay maituturing na organic kung ito ay tinanim at inalagaan nang hindi gumagamit ng pesticides. Ang isang karne ay maituturing ding organic, kung ang pagkain ng alagang hayop ay hindi ginamitan ng pesticides, antibiotic, o nilagyan ng hormone injections.
Ang produktong organic ay mayaman sa mga nutrients kumpara sa inorganic, dahil nga sa mga ginamitan na ito ng pesticides, gamot, o chemiclas na pumipinsala sa mga kailangan nating nutrients. Mahal man ang presyo ng organic, maituturing pa rin praktikal ang pagbili nito, dahil sa taglay na mga dobleng sustansiya na nakukuha kumpara sa inorganic.
Sa pagkain din ng organic ay makakaiwas tayo sa kaso ng kanser na nakukuha naman sa mga pagkain dumaan sa pesticides o ginamitan ng preservative.