^

Para Malibang

Sibuyas at honey: Panlunas sa nakakalbo

ABH - Pang-masa

Gumawa ng pampahid sa anit na makakapigil sa panlulugon ng buhok.

Kailangan: isang tasang ginayat na sibuyas na pula at 2 kutsarang pure honey

Paraan:

1-I-blender ang sibuyas na may kahalong one-fourth tasang tubig.

2-Ibalot sa malinis na cotton cloth. Pigain ang juice.

3-Ihalong mabuti ang honey. Maaaring lagyan ng lemon or calamansi juice para mabawasan ang masansang na amoy ng sibuyas.

4-Kung gusto, haluan ang mixture ng alinman sa mga essential oil : lavender, peppermint o rosemary oil. Ang mga nabanggit ay nakakatulong din sa pagpapalago ng buhok.

Paano gamitin:

1-Imasahe ang mixture sa mga parteng nakakalbo o sa buong anit.

2-Balutin ang ulo ng shower cap ng 30 minutes. Puwede rin magdamag pero tanggalin ang shower cap dahil masamang balutin ang ulo sa mahabang oras.

3-Banlawan ang buhok. Inirerekomenda na gawin dalawang beses per day sa loob ng dalawang buwan sa mga may seryosong problema sa alopecia areata.

Bakit epektibo ang sibuyas at honey?

Ang sibuyas ay mayaman sa sulfur  na umaayos sa daloy ng dugo sa ulo. Ang resulta ay pagsigla ng hair follicles at pagtubo ng buhok. Nakakatulong din ang katas ng sibuyas sa pagtanggal ng balakubak at naiiwasan ang pagputi ng buhok. Ang honey naman ay mayaman sa nutrients kaya literal itong ‘pagkain’ ng buhok.

(Source: http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/12126069)   

ANG

BAKIT

BALUTIN

BANLAWAN

BUHOK

GUMAWA

IBALOT

IHALONG

IMASAHE

INIREREKOMENDA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with