Perfume/Body Spray/Deodorant – Solvents din ang mga ito na nagtataglay ng methyl-ethyl-ketone. Ispreyan ang kuko at tanggalin gamit ang bulak. Gamiting pantanggal sa cutex ang perfume na hindi na ninyo type gamitin sa katawan para ‘di nakakahinayang.
Clear Nail Polish – Ipahid ang clear cutex sa kuko, tapos kuskusin ng bulak. Ulit-ulitin ang pagpahid hangga’t hindi natatanggal.
Lemon/calamansi juice at suka – Paghaluin ang 2 kutsarang juice + 2 kutsarang suka. Ito ang ipahid sa cutex gamit ang bulak. Ang mixture ng juice at suka ay nakakatanggal din ng paninilaw ng kuko kaya doble pakinabang dito.
Hair Spray – Ispreyan ang bulak at ito ang ikuskos sa kuko. Huwag patagalin ang hair spray sa kuko dahil nakaka-dry ito. Hugasan ng tubig pagkatapos matanggal ang cutex.
Hand Sanitizer – Diretsong ibuhos ang sanitizer sa kuko. Gumamit ng pusher para matanggal ang cutex.
Tootpaste – Pahiran ang kuko ng toothpaste. Gumamit ng pusher para matanggal. Tanggalin ang cutex habang basa pa ang toothpaste. Hindi effective kung hahayaan matuyo sa kuko.