Nangyayari ang pang-aapi ng biyenan kapag hindi niya gusto ang napangasawa ng kanyang anak. Sabagay, eh, ano kung hindi ka niya gusto! The fact na pinakasalan ka ng kanyang anak, sa kabila ng kanyang pagtutol, aba, achievement na iyon. Love ka talaga ng mister mo. Huwag matakot sa biyenan kahit pa well-known siyang pinakamataray na nilalang sa buong mundo. Kapag nahalata niyang natatakot ka sa kanya, lalo iyang mag-iinarte na i-bully ka.
Huwag patulan ang kanyang pagiging tactless. Halimbawa, bigla siyang magko-comment na: “Ang laki pala ng bibig mo.” Huwag kang pahahalata na nasaktan ka. Maging witty sa isasagot. Sumagot ka nang nakangiti at kalmado: “Mas malaki po ang sa iyo. Joke! Ha-ha-ha!” Ibalik mo ang pintas sa kanya sa paraang nakakatawa. Hindi mo siya makokontrol, pero may kontrol ka kung paano ka magre-react sa kanya. Ang best revenge sa kaaway ay ipakitang “waley” or “wa epek” ang kanyang pambabara.
Payo ni Hilary Clinton na kilala sa pagiging tigasing babae: Kung may katotohanan ang ipinipintas sa iyo ng biyenan mo, seryosohin mo ito pero huwag personalin. Mabuti nga iyon at unknowingly, nabibigyan ka niya ng tip kung paano aayusin ang iba mong “imperfections”. Ang nakakakita ng kapintasan ng isang tao nang buong linaw ay ‘yung kaaway niya.
Kausapin mo ang iyong mister na iparamdam nito sa kanyang ina na walang nabago sa kanilang relasyon kahit may asawa na ito. Hindi man dumating ang araw na maging close kayo ng iyong biyenan, at least, nananatiling close silang mag-ina.
* * *
Dear Mother-in-Law,
I’m well aware that he came out of your vagina. Now, he comes in mine. I win! Daughter-in-law (www.pinterest.com)