FYI

Ang papaya na ang may scientific name na Carica ay mayaman sa mga Vitamins A, D, B-12, B-6, at mataas din sa Vitamin C content. Meron ding makukuhang iron, magnesium, at calcium nutrients. Sa pagkain ng karaniwang laki ng papaya na naglalaman ng 120 calories, mabisa ito sa pagbabawas ng timbang. Bukod kasi sa madali kang mabusog sa pagkain ng papaya ay healthy pa rin ito sa iyong digested system. Mabuti ito sa mga diabetic na indibiduwal dahil sa low sugar content nito na 8.3 gm sa bawat kain mo ng isang slice na papaya. Mainam din ito sa ating mga mata, bukod kasi sa Vit. A meron din itong zeaxanthin, cyptoxanthin, at lutein na nagpapagana sa mucus membranes para magkaroon tayo ng malusog na mata at maiwasan na masira ang ating paningin.

Show comments