Kung nakakaapekto na sa iyong sex life ang stress, kailangang gawan ng paraan ito. Narito ang mga suhestiyon ng psychologytoday.com para maikondosyon uli ang ating utak at malabanan ang stress.
Natalakay na natin ang pagse-share ng iyong takot at desires, pagkakaroon ng regular na exercise. Narito pa ang mga dapat gawin kung nai-stress at mga stress relievers. Narito ang iba pang puwedeng gawin:
Matulog ng sapat na oras. Mahalaga ang pagtulog sa ating kalusugan. Kritikal ang pagtulog sa isang tao. Importante rin ito para sa ating maayos na sex life dahil nababawasan ang stress at napapanatili nitong healty ang immune system. Kung hindi nakukumpleto ang walong oras na tulog sa isang araw, subukan ang power nap. Mas gagaan ang pakiramdam at magkakaroon ng energy at magbabago ang inyong sex drive.
Set the Mood. Hindi ganoon kadali para ganahan sa sex. Hindi ito parang ilaw na isu-switch on mo lang ay ok na. Kailangang i-set mo rin ang mood para magkaroon ng gana sa sex. Subukan ang mga banayad na music, aroma, scented candles, tamang lighting para magkaroon ng romantic atmosphere. Sabayan ng masahe na para ma-relax ang buong katawan. - ITUTULOY