Tsai Shen Yeh: Umakit ng kayamanan

Itinuturing siyang god of Wealth ng mga Chinese. Kahit kinakabitan siya ng salitang “god”, hindi siya kailangang dasalan. Idinidispley lang ang figurine nito bilang simbolo ng kayamanan sa Fengshui.

Madalas ay ipinapakita siyang nakaupo sa ibabaw ng tigre; nakasuot na robe na may dragon motif na simbolo ng prosperity and good fortune; may bitbit na gold ingot at maraming coins.

Ang tamang lugar para idispley ang Tsai Shen Yeh ay sa salas. Nakaharap dapat ito sa pintuan para patuluyin ang magandang kapalaran at pigilan ang pagpasok ng bad energy. Huwag ididispley sa bedroom.

 

 


 

 

Show comments