Paano maiiwasan ang dengue?
Ngayong ay laganap na naman ang kaso ng dengue dahil sa madalas ng pag-uulan kung saan dumarami rin ang itlog ng lamok na may dalang virus.
Ang dengue fever ay isang kondisyon dulot ng dengue virus, na siya namang dala ng ilang uri ng lamok gaya ng Aedes aegypti. Ang mga pangunahing sintomas ng dengue ay mataas na lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kasukasuan, at ‘rashes’ na kamukha ng nakikita sa tidgas.
Ang malalang uri ng dengue fever, tulad ng dengue hemorrhagic fever, ay nagdudulot ng pagdudugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan – ito ay delikadong sitwasyon kaya ito ay kinakatakutang komplikasyon ng sakit na dengue dahil kapag hindi naagapan, ito’y nakamamatay. Sa kasalukuyan, walang gamot na pumupuksa sa virus na may dala ng dengue. Sa halip, sinisigurado na ang pasyente ay may sapat na tubig sa katawan at may sapat na ‘platelet’ upang labanan ang pagdurugo.
Paano ba nagkakaro’n ng dengue fever? Ang dengue fever ay nakukuha mula sa kagat ng lamok na may taglay ng dengue virus.
Kahit sino ay puwedeng magkaroon ng dengue fever, bata man, o matanda, pero mas karaniwang malala ang sakit sa mga bata at sanggol.
Para maiwasan ang dengue ay umiwas din na makagat ng lamok. Huwag din hayaang magtambak ng tubig o bagay na puwedeng pamugaran ng itlog ng lamok sa inyong tahanan. Ang stagnant o hindi dumadaloy na tubig ay madalas bahayan ng mga lamok. Laging linisin ang inyong bahay. Lagi ring takpan ang iniipong tubig. Magsuot din ng panjama, pantalon, o mahabang damit kahit nasa loob ng bahay. Puwede i-request sa inayong school na i-require na magsuot ng jogging pants ang mga estudyante habang mataas pa ang banta ng dengue sa inyong lugar.
- Latest