Nanlulugon ang iyong buhok? Malamang na ang anit mo ay kulang sa suplay ng dugo. Napakasimple lamang ng lunas sa problema – imasahe ang anit upang maging maayos ang daloy ng dugo sa ulo/anit.
Pagkatapos mag-shampoo, banlawang mabuti ang buhok ng malamig na tubig. Ang malamig or room temperature na tubig ay tumutulong upang magsara ang butas ng anit.
Dahan-dahang tuyuin ng tuwalya ang buhok. Habang mamasa-masa pa, simulang hilutin ng daliri at palad ang buong ulo. Mag-ingat sa pagmasahe dahil baka masabunutan mo ang iyong sarili o makalmot ng kuko ang sensitive na anit.
Puwedeng in circular motion ang galaw ng iyong daliri sa iyong anit. Mas epektibo ito para lalong umayos ang daloy ng dugo na magdudulot ng malusog na buhok. Gawin ito nang regular.