Marami pang suhestiyon ang psychologytoday.com para maikondosyon uli ang ating utak at malabanan ang stress kung nakakaapekto na ito sa iyong sex life.
Una ay I-share ang inyong takot at desires, Ikalawa ay magkaroon ng Regular na exercise. Narito pa ang mga dapat gawin kung nai-stress.
Uminom ng suppliments na pampalakas at para sa libido. May mga vitamins, minerals, at herbs na sinasabing pampataas ng libido, at nakatutulong sa reproductive system para maging maayos ito. Importante ang B-complex vitamins at vitamin E gayundin ang zinc. Sa mga nakaraang pag-aaral, ang amino acids arginine at citrulline na nakapagpapababa ng blood pressure at cholesterol ay nakatutulong din sa erection sa pamamagitan ng pagpo-produce ng nitric oxide na nagpapalakas ng blood flow sa penis.
Gumamit ng Stress Relievers. Mag-meditate, breathing exercises, yoga exercise, yoga laughter, at progressive muscle relaxation para kontrahin ang stress at tension. Sa loob lang ng 10-minutong relaxation ay mag-iiba na ang iyong mindset at libido.