Para mapigil ang pagdurugo ng sugat, itinataas ang kamay at dinidiinan din ang hiwa ng sugat. Sa pagdidiin sa sugat nagbibigay ito ng pressure at sa pamamagitan nito ay napipigilan ang pagdurugo ng hiwa. Ang altapresyon o hypertension, o mataas na presyon ng dugo, ay isang hindi gumagaling na medikal na kondisyon kung saan ang presyon ng dugo sa mga malaking ugat ay mataas. Ang pagtaas nito ay kinakailangan ang puso na mas magtrabaho mabuti kaysa sa normal upang ikalat ang dugo sa pamamagitan ng daluyan ng dugo. Ang presyon ng dugo ay binubuo ng dalawang sukat ang systolic at diastolic, na depende kung ang kalamnan ng puso ay umiikli at humihigpit (systole) o mahinahon sa pagitan ng mga pagtibok (diastole). Ang normal na presyon ng dugo kapag nagpapahinga ay nasa loob ng pagitan ng 100–140 mmHg systolic (mataas na pagbasa) at 60–90 mmHg diastolic (nasa ibabang pagbasa). Magkakaroon ng mataas na presyon ng dugo kung ito ay patuloy na nasa o mataas sa 140/90 mmHg.