Ano ang mga lason sa iyong isipan?

Marami tayong masamang pag-iisip na dapat natin alisin o itapon para hindi maging stressful ang ating buhay. Palayain ang ating sarili sa mabigat na bad vibes sa ating paligid at alamin kung paano magkakaroon ng kapayapaan at masayang buhay. May ilang points para itapon ang basura sa ating isipan na nakakalason ng ating pagkatao:

Naghahanap ng kukumpleto sa pagkatao mo –Walang ibang kukumpleto sa pagkatao mo kundi ang sarili mo. Mali ang iniisip na kailangan mo ng romantic partner para masabing kumpleto na ang buhay mo.  Kailangan mong mahalin muna ang sarili mo at dun magsisimula ang kasiyahan mo.

Hindi handa sa hinaharap – Ang feeling na hindi ka ready sa future, kaya napapraning ka na sa kakaisip ng bukas. Kahit magsubsob ka pa sa kakaiipon para maging secure ang iyong hinaharap, ang totoo hindi natin hawak ang bukas. Marami pang mangyayari na hindi natin alam.

Iniisip ikaw ay biktima -  Itapon ang victim mentally dahil ikaw lang mismo ang responsable sa iyong kapalaran o destiny. Magiging biktima ka lamang ng sitwasyon kung papayagan mo itong mangyari sa iyo.

 

Show comments