Bakit ba ginawa ang GPS?
Ano ba ang depinisyon ng GPS? Ito ay Global Positioning System. Isa itong navigation system na pinagsanib ang satellites at computer para malaman ang lapit o layo ng receiver sa mundo. Malalaman din ang time difference ng signal mula sa iba’t ibang satellites para maabot ng receiver.
Ang GPS ay may satellite-based navigation system na ang network ay pinapalibutan ng 24 satellites sa paligid ng mundo na inilagay ng U.S. government. Ang GPS ay ginawa para magamit ng mga military sa kanilang operasyon. Pero noong 1980s, pinayagan na ng gobyerno ng U.S na maging available ito sa mga civilian. Ang GPS ay gumagana sa loob ng 24 hours kahit saang panig ng mundo at kahit pa sa masamang panahon.
- Latest