FYI

Ang puso ng tao ay halos kasing laki ng isang saradong kamao. Ito ay matatagpuan sa gitna at bandang kaliwa ng dibdib. Ang puso ang nagbobomba sa dugo upang ito ay dumaloy sa buong katawan. Ito ay nahahati sa kanan at kaliwang bahagi. Ang hati ay nagbibigay proteksyon upang ang mayaman sa oxygen na dugo ay hindi humalo sa dugong may mababang kalidad ng oxygen. Ang daluyan ng dugo ay binubuo ng mga artery, capillary, at ugat. Ang artery ay mga daluyan na nagdadala ng dugo na mayaman sa oxygen palayo sa puso. Ang mga capillary naman ay maliliit na mga daluyan na mas manipis pa sa buhok ng tao. Ito ang nag-uugnay sa mga artery at ugat. Dumadaloy ang nutrisyon, oxygen, at basura sa katawan ay paloob at palabas ng dugo sa pamamagitan ng mga capillary wall.

Show comments