Hindi biro ang umupo ng walong oras sa harap ng computer sa loob ng limang araw sa isang linggo.
Tiyak aabutin ka ng eye strain, tensiyon na dulot ng neck syndrome, dagdag pa ang mga calories sa kakangata mo ng pagkain sa iyong desk o lamesa. May para-paraan upang maging healthy pa rin at maging physically fit habang ikaw ay naka-duty sa iyong opisina.
Uminon ng tubig- Kailangan mo ng sapat na uminom ng tubig na 8 hanggang 10 baso ng tubig araw-araw. Maiiwasan din na ma-dehydrated ka sa pagkain ng mga food na may maraming tubig. Tulad ng oranges, melon, ubas, at mansanas.
Over weight – Para makaiwasan sa pagkain ng marami, magbaon ka ng iyong healthy snacks para hindi ka na maengganyo na tumikim ng mga snacks sa mga katrabaho mo sa opisina.
Time out – Kapag nakaramdam ng pananakit ng iyong mga mata, batok, o likod mag-break ka muna. Galaw-galaw din kapag may time. Sa pamamagitan nito maire-relax mo saglit ang napapagod mong mata sa pagkababad sa pagtatrabaho sa harap ng computer.