Actions speak louder than words. Mabilis sabihing inirerespeto mo ang iyong mister. Pero anu-ano ba ang dapat ginagawa ni Misis para mapatotohanan sa gawa ang sinasabi niyang respeto sa kanyang asawa?
1-Maging masayahin sa tuwi-tuwina. Nagkakaroon ng masayang pamilya kung masayahin si Misis. Mahirap makisama sa mga taong sumpungin. May mga babaeng sinusumpungan si Mister kapag hindi nasunod ang kanyang gusto.
2-Bigyang halaga muna kung ano ang suggestion ni Mister. Kung sa pagtitimbang ay hindi pala ito puwede, saka ipasok ni Misis ang kanyang suggestion.
3-May mga babaeng master ng multi-tasking, pero kapag kinakausap siya ng kanyang asawa, sana ay itigil niya ang anumang ginagawa. Tumingin sa mata ni Mister at pakinggan ang sasabihin nito.
4-Iwasan ang ugaling pambabara sa asawa. Hindi pa tapos ang sinasabi ni Mister, nakasagot na agad si Misis.
5-Of course hindi perpekto ang iyong mister pero mas lagi mong pansinin ang kanyang good points. Hindi mo lang alam, iyon ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon para lalong magsikap na maging mabuting asawa.
6-Huwag manghiya sa harap ng maraming tao. Kahit gigil na gigil ka nang magtaray kay mister dahil may kapalpakan itong ginawa, hintaying makauwi kayo sa bahay at makapasok sa bedroom, hayun, saka magwala. Aba, nakakataas ng presyon ang pagpigil sa galit. Hindi ka naman santa, ‘no!
Mga Kawikaan 19:14 - Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang; nguni’t ang mabait na maybahay ay galing sa Panginoon.