Matutuloy ba ang aking kasal?

Tanong: Sa 2016 ay balak naming magpakasal ng aking boyfriend. Seven years na kaming magkarelasyon. Matutuloy po ba ang aming kasal sa kabila ng aking pagdadalawang isip?May isang lalaking tatlong buwan nanliligaw sa akin kahit alam niyang magpapakasal na ako. May gusto ako sa kanya. Sana po ay huwag mo nang ilagay ang detalye ng aming pagkatao at e-mail address ko.---Bride 2016.

Sagot:  Mas compatible kayo ng iyong boyfriend base sa inyong birthday. Gamit ang name analysis, ang iyong boyfriend ay seryoso sa buhay at kapag may pangako ay tinutupad. Ang bagong manliligaw mo ay mainitin ang ulo at mahilig makipagtalo.

Ang lalaking marunong rumespeto ng kanyang kapwa lalaki ay hindi makikipag-agawan sa babae kung alam niyang ganoon na katagal ang relasyon ng magnobyo. Kung siya’y hindi marunong gumalang sa kanyang kapwa lalaki, asahan mong wala rin siyang respeto sa ibang tao. Ang lalaking ganyan ay mahilig sumawsaw sa relasyon nang may relasyon. Who knows, natsa-challenge lang siya na makipagkumpetisyon sa iyong nobyo at hindi dahil mahal ka niya. Kung masusulot ka nga naman, aba, ay ang galing niya! Nabuwal niya ang pitong taong relasyon ninyo. Sarili mo lang ang makakasagot kung matutuloy ang iyong pagpapakasal. Kung talagang ayaw mong magpakasal, ngayon pa lang ay sabihin mo na sa iyong nobyo.

 

Show comments