Pinapahiya ng mga tao
Panaginip: Lagi akong nananaginip na pinapahiya ako ng ibang tao sa harap ng maraming tao. Halimbawa, kunwari ay sa office ang eksena, ipagsisigawan ng aking boss na mali ang ginawa ko sa assignment na ibinigay niya sa [email protected]
Interpretation: May isang pag-aaral na ginawa tungkol sa masamang panaginip si Rosalind Cartwright, espesyalista sa sleep disorder sa Chicago. Natuklasan niya na may paraan upang mahinto ang masamang panaginip. Una, maging “aware” ka na nasa dream state ka lamang. Kung alam mong panaginip lang ang nangyayari sa iyo mabilis mo nang mauutusan ang iyong sarili na gumising para magkaroon ng ending ang panaginip.
Ang ikalawang option mo, sa halip na gumising ay ituloy mo lang ang iyong panaginip ngunit gawin mong winner ka sa ending. Halimbawa, sampalin mo ang taong nangpahiya sa iyo. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka pa ng outlet na mailabas mo ang iyong kinikimkim na emosyon.
- Latest