Hindi masaya dahil ‘di nakatapos ng pag-aaral

Dear Vanezza,

Ako po ay 28 years old, binata at may maayos ng trabaho. Masasabi ko pong hindi ako masaya sa buhay ko ngayon dahil hindi ko nakamit ang pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral. Marami po ang nagdi-discourage sa akin, kesyo matanda na raw ako. Sa kabila nito ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Madalas ay nasasaktan ako sa tuwing nakakakita ng mga estudyante dahil para akong naiinggit sa kanila. May pag-asa pa kaya akong makatapos ng kolehiyo? - Romy

Dear Romy,

Gamitin mo ang determinasyon mo para matupad ang pangarap na makatapos ng pag-aaral. Gawin mong hamon ang mga discouragement ng iba. Patunayan mo na wala sa edad ang sukatan para maabot ang pangarap, lalo na ang maka-graduate sa college. Maraming mas matanda pa sa’yo ang sinikap magtapos at hindi ikinahiya ang edad. Ngayon may maayos kang trabaho, mas may kakayahan kang tustusan ang iyong pag-aaral. Wag mong isipin ang sasabihin ng iba, gawin mo ang  magpapasaya at magpapa­kumpleto ng buhay mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments