MATINDI ang paghahangad ni Miley na itanong ang bagay na lumiligalig sa kanyang isipan.
“Doktor Larry, kailangan ko pong malaman kung...” Saglit na nagbantulot, nag-alinlangan si Miley.
Nag-alala siyang baka lumitaw na in bad taste ang itatanong; baka maka-offend sa mag-asawang surgeons.
“Go on, Miley... ano ang tanong mo?”
Maging ang doktorang awhile ago ay dating bangkay ay naghihintay sa sasabihin ng dalaga.
Nagbalik ang courage ni Miley, sinabi ang nais malaman.
“I just want to know po, nasaan ang kaluluwa ni Doctora Joanne nang siya ay patay pa kanina?”
Natigilan si Doktor Larry, hindi inaasahan ang tanong.
Si Doktora Joanne ay NR, no reaction—dedma lamang. Tila walang pakialam sa isyu.
Naghagilap ng sagot ang doktor. “Ang sabi ng theology professor ko noon, ang taong buhay ay laging merong kaluluwa.
“Therefore, nakabalik na sa katauhan ni Joanne ang kanyang kaluluwa na posibleng namasyal lamang while she was dead!”
Hinimay ni Miley ang paliwanag ni Doktor Larry.
Convincing ba ito para sa kanya, katanggap-tanggap?
Posible raw ‘namasyal lamang’, ayon kay Doktor Larry. Para kay Miley, unacceptable ang ganitong lohika.
PERO bago pa nakapagtanong muli si Miley, binuksan na ni Doktor Larry ang kumot na nakatabing—mula mukha hanggang paa-- sa nakahiga doong reyna ng Undead.
Muntik nang matumba sa pagkagulat si Miley, hindi na naman makapaniwala.
Nakatayo na si Reyna Coreana, nakaharap na sa dalaga.
“Oh my God!” Napahagulhol na si Miley. Kilabot na kilabot sa bagong anyo ng reyna na dati’y walang kasing-pangit.
Si Reyna Coreana ay saktong kopya, carbon-copy na ni Miley! Itutuloy