Dapat pa bang isalba ang nasirang pagkakaibigan?
Kung nasa bingit ng pagkasira ang pagkakaibigan, mag-isip kung ang “friendship” ay karapat-dapat bang isalba.
Kung handa ka pang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang ang iyong pakikipagkaibigan, narito ang ilang hakba sa iyong pakikipagsapalaran:
Aminin ang pagkakamali. Simulan ang pag-ako sa nagawa mong hindi tama. Aminin ang iyong nagawang kasalanan. Ang pag-amin ng kasalanan ay simbolo ng iyong pagkukumbaba.
Pangakong pagbabago. Panindigan ang pangakong magbabago mula sa maling nagawa. Ang pagtupad sa pangako na itutuwid ang kasalanan at magiging tapat sa usapan ay tanda ng iyong commitment sa pinagkasunduan.
Huwag ipagtanggol ang sarili. Ang iyong hangarin ay makakuha ng pagpapatawad, huwag bigyan ng excuse ang iyong sarili. Itanong kung anong magagawa mo para magkaroon ng “healing” ang iyong pagkakaibigan. Ito ay magbubukas ng pinto mula sa iyong kaibigan para magbigay ng suhestion na puwede ninyong gawin pareho.
Bigyan ng pagkakataon ang iyong kaibigan. Hayaang magsalita kung ano ang kailangan niyang sabihin sa iyo. Makinig at gawin ang paraan para maayos ang inyong relasyon bilang magkaibigan.
Kung merong hindi pagkakaunawaan sa inyong pagkakaibigan na may halaga sa iyo, huwag mag-atubili na ayusin ang nasirang “bond” dahil lahat ng relasyon ay dumadaan sa “healing process”. Habang nagtatagal ay lalo pang nagiging matibay na taling nagbibigkis sa pagitan ng iyong kaibigan. Ang ganitong uri ng friendship ay dapat pahalagahan o ingatan dahil ang kaibigan ay kayaman na maituturing sa ating buhay.
- Latest