Lucky Charm sa Sugal

Malaking bagay din para sa mananaya ng lotto o anumang uri ng sugal ang paggamit ng lucky charm. Narito ang iba’t ibang lucky charm na madalas gamitin ng mga nagsusugal:

Alfalfa - kahawig ito ng mongo sprout na kinakain pero mas maliit. Inilalagay ito sa bulsa para pampasuwerte.

Alligator tooth - upang lumakas ang suwerte mo kaysa kalaban. Ginagamit sa card game.

Chamomile (mansanilya) - ibinababad sa tubig at ipanghuhugas sa kamay bago maglaro o tumaya.

Four leaf clover - ang dahon ay ilalagay sa wallet o bulsa bago magpunta sa casino.

Lodestone - magnet na dinadala sa casino para pampasuwerte.

Nutmeg - pampasuwerte kung mayroon nito sa bulsa habang naglalaro o tumataya.

Pyrite - golden iron ore na mainam dalhin kung maglalaro sa casino.

Buto ng penis ng raccoon - ibabalot sa 200 peso bill at ilalagay sa bulsa habang naglalaro.

Kandilang korteng bungo - itinatago ito sa bahay at hindi na kailangang dalhin habang tumataya o naglalaro.

Show comments