Tanong: Ano ang mabuting orasyon o ritwal sa aming kapitbahay na magugulo? Nangungupahan lang ang mga kapitbahay na ito. Inireklamo ko na sila sa may-ari ng bahay, barangay officials at mga pulis pero walang nangyari. Minsan ay nagkasakitan na kami.---Mr. R ng Gumaca Quezon
Sagot: Magtuhog ng 108 beads na parang rosaryo. Ito ang gagamitin mo sa pagmamantra. Kailangang usalin ng 108 times ang mantra. Ang isang ikot o 108 times ay mala ang tawag. Sa first day, huwag kang kakain ng karne para maging malakas ang “potency” ng mantra. Araw-araw kang magmantra hangga’t hindi natutupad ang wish: TARE TUTTARE TURE SOHA.
Ang ginagawa ng iba ay nagpipitong ikot sila or 7 mala per day para mapabilis ang katuparan ng wish. Mag-research ka sa internet para lalong maunawaan ang kabutihang maidudulot ng nasabing mantra.
Tanong: Natamaan ng bola ang aming glass window kaya nagkaroon ng crack. Since wala pa akong pera, hinayaan ko lang ito. May nagsabi sa akin na malas daw ang magkaroon ng crack sa bintana. Totoo ba ito?---___218@gmail.com
Sagot: Hindi lang malas, pangit pang tingnan. Tanggalin mo ang basag na salamin at takpan muna ng lawanit habang wala pang budget.