^

Para Malibang

Stress nakakaapekto sa sex life ni ate

Miss ‘S’ - Pang-masa

Walang dudang maapektuhan rin ang sex life ng mga babae kapag nai-stress.  

Para sa mga babae, ang sex ay hindi lamang  physical activity dahil may kasamang emosyon ang mga babae kapag nakikipag-sex.

Ang sex ay isang  intense emotional experience sa mga babae. Tulad sa mga lalaki, ang pinakama­lakas na aphrodisiac para sa mga babae ay ang utak.

Kadalasan ang mga babae ay may negatibong pagtanggap sa sex. Maaari silang magkaroon ng mga habit para hindi ma-enjoy ang sex at puwede rin silang magkaroon ng iba’t ibang stress responses na nagiging sanhi ng automatic physical reactions.

Kumpara sa mga lalaki,  naaapektuhan nang husto  ang hormone levels ng mga babae kapag nai-stress.

Pinipigilan ng hormone na endorphins ang pagre-release ng LHRH (luteinizing hormone releasing hormone) na kapag bumababa ay nagiging dahilan din ng pagbagsak ng LH (luteinizing hormone), ang hormone na nagti-trigger ng ovulation.

Napipigilan din ng cortisol ang anterior pitui­ta­ry sa pagre-release ng tamang levels ng LH. FSH, prolactin at estrogen. Bukod pa rito, naaapektuhan din ang progesterone levels.

Dahil dito, nagreresulta ito sa irregular ovulatory cycle at nagkakaroon ng problema sa fertilization at implantation ng egg sa uterine wall.

Ang babae at lalaki ay parehong nagpo-produce ng FSH, LH, testosterone, at estrogen pero magkaibang dami. Kapag matindi na ang stress, naapektuhan ang mga sex hormones dahil sa mga lumalabas na stress hormones tulad ng cortisol. (Source: psychologytoday.com) ITUTULOY

ACIRC

ANG

BABAE

BUKOD

DAHIL

HORMONE

KADALASAN

KAPAG

KUMPARA

MAAARI

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with