Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na sa 500 uri ng coral species sa buong mundo 488 nito ay matatagpuan sa Pilipinas? Sa walong species naman ng marine turtles sa buong mundo, lima ang natagpuan sa bansa. Ang walong uri naman ng giant clams sa buong mundo, pito ang nasa karagatan ng Pilipinas. Ang Basilica ng San Sebastian ang tanging simbahan sa buong Asia na gawa mula sa bakal. Ito ang sumunod sa Eiffel Tower ng Paris. Ang pinakamalaking kampana sa buong Asya ay matatagpuan naman sa 221 taong gulang na Simbahan sa Panay. May laki itong pitong talampakang diametro at pitong talampakang taas at may bigat ng 10.4 tonelada. Aabot ang tunog nito hanggang 8 kilometro mula sa nasabing simbahan. Ang naturang kampana ay gawa mula sa 70 sako ng barya na ibinigay ng mga tao dito.
- Latest