ISANG himalang napakalupit! Ito ang hinaing ni Miley sa Kataas-taasang Langit. She feels so low.
Hindi maunawaan ng dalaga kumbakit siya, sila ni Blizzard, ay pinarurusahan!
“My Lord, bakit Mo po hinahayaang mamayani ang mga negatibong puwersa ni Satanas?”
Hindi talaga masakyan ng isipan ni Miley ang nangyayari.
“Kakampi Mo po kami, Dear Lord! Bigyan Mo naman po kami ni Blizzard ng kapayapaang we truly deserve!”
Iniiyakan ng dalaga ang katotohanang sila ng boyfriend ay bihag pa rin sa malupit na Isla ng mga Undead.
Nawasak na ang reputasyon niya sa kaibigang ikinasal nang wala ang kanyang partisipasyon.
“Isusumpa ako ni Chelsea, Blizzard... ibinitin ko siya sa last-minute... napakahirap maghagilap ng substitute Maid of Honor...”
“Miley, kapag nalaman ni Chelsea ang nangyayari sa atin—sa impaktong islang ito—mabubura ang lahat niyang hinanakit...
“Let’s be kind naman sa ating mga sarili...” Sa bihirang pagkakataon ay tama ang sentimyento ng binata.
“Meron akong naiisip, Blizzard, na sa palagay ko’y magtataboy sa mga Undead na ‘yan,” bulong ng girlfriend.
“Tell me, baka doable.”
“Ilabas mo ang lighter mo nang pasimple.”
Isang lighter na kargado ng butane gas ang kinuha ni Blizzard sa bulsa ng kanyang cargo pants.
Inginuso ng dalaga ang mga tuyong damuhan at dahon.
Sapat iyon na maglagablab kapag nadilaan ng apoy.
Ang mga bantay na Undead ay inaantok, apektado ng init ng panahon.
“Bibilang ako hanggang tatlo, Blizzard...”
“Nakahanda ako, Miley...”
“Isa... dalawa...”
Pero biglang nasamid ang dalaga. PRRSSST.
Nabitin ang huling bilang. At may bantay na undead na nagising. (ITUTULOY)