^

Para Malibang

Pahiwatig ng iyong buhok

Pang-masa

Isa sa maraming paraan para malaman mo na ikaw ay malusog o healthy ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malusog na buhok. Ang buhok ay hindi lang dekorasyon sa ating ulo. Maaari mong malaman kung ano ang kondisyon ng iyong  kalusugan dito. Narito ang ilang paraan.

Dry - Ang pagkakaroon ng dry na buhok ay hindi lang nakukuha sa palagiang pagsu-swimming, hair blowers, at iba. Kung hindi mo naman ginagawa ang mga bagay na ito ay dapat kang magtaka bakit ganito ang uri ng iyong buhok. Isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng dry hair ay ang sakit na “hypothyroidism” ito ang klase ng thyroid na hindi aktibo o nasa ilalim lang ng iyong leeg at hindi bumubukol. Marami ang nag-aakala na patuloy ang pagnipis ng kanilang buhok dahil nababawasan ito, ngunit ang katotohanan ay naaapektuhan ito ng nasabing sakit. Isa pa sa mga sintomas ng sakit na ito ay mabilis na pagtaba, mabagal na heart rate, palaging nilalamig kahit mainit ang panahon, patuloy na pagnipis hanggang sa pagkakalbo ng kilay.

Balakubak o dandruff – Minsan mapapansin mo na may balakubak sa iyong hairline o hangganan ng anit mo sa iyong noo. Hindi lahat ng dandruff ay nakukuha sa shampoo o hindi paglilinis ng iyong buhok. Maaaring ang balakubak sa iyong ulo ay sintomas ng sakit na psoriasis. Ang sakit na ito ay maituturing na sakit sa balat at ang balakubak ay maaaring maging tulad ng kaliskis sa iyong ulo o balat sa oras na ang sakit na ito ay lumubha. Kinakailangan na agad magpatingin sa dermatologist para maagapan ang sakit na ito upang maiwasan ang mga kumplikasyon gaya ng diabetes, heart disease, hypertension, at obesity.

Hair loss – Gaya ng balakukbak, hindi lang dahil sa shampoo kaya nalalagas ang iyong buhok, posibleng ito ay sintomas ay ang stress. Kung mapapansin mo, bigla na lang nalulugas ang buhok mo kapag may kinakaharap kang matinding problema gaya ng pakikipaghiwalay sa asawa o karelasyon  at pagkawala ng trabaho. Ang mas matindi ay sintomas din ito ng sakit na diabetes.

ANG

BALAKUBAK

BUHOK

GAYA

HINDI

ISA

ITO

IYONG

KINAKAILANGAN

QUOT

SAKIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with