Lime sa English. Ito ang green version ng lemon. Ginagamit noong araw ng matatanda para panlunas sa mga pangkaraniwang karamdaman.
Nerbiyos. Pigain ang katas. Ito ang ipahid sa noo para matanggal ang nerbiyos at pagkabalisa. Magtimpla ng isang basong lime juice. Haluan ng honey. Ito ang inumin para marelaks.
Singaw sa bibig at mabahong hininga. Purong katas ng isang pirasong dayap. Haluan ng kalahating tasa ng maligamgam na tubig. Ito ang mumugin pagkatapos kumain at magsepilyo.
Namamagang tonsil. Katas ng isang pirasong dayap + isang tasang mainit na tubig + one-fourth kutsaritang asin + 2 kutsarang honey. Ito ang inumin.
Paso sa balat. Paghaluin ang 2 kutsarang purong langis ng niyog at 2 kutsarang lime juice. Ito ang ipahid sa paso.
Pampababa ng timbang. Isang tasang maligamgam na tubig na hinaluan ng isang kutsarang lime juice. Inumin sa umaga bago kumain. Palipasin ang 45 minutes, saka mag-almusal.
Nahihilo. Inumin ang pinaghalong isang tasang maligamgam na tubig na hinaluan ng isang kutsaritang lime juice. Sa halip na tubig ay buko juice ang ihalili na hinaluan ng isang kutsaritang lime juice.