‘Taken for granted’

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Paty, 21 years old. Mayroon akong boyfriend na nagtatrabaho sa bangko. Mahal ko siya and I believe na mahal din niya ako. Kaya lang, may isang ugali siyang hindi ko gusto. Hindi siya gentleman. Halimbawa kapag kumakain kami sa labas at may nakita siyang kakilala, babatiin niya at kakausapin pero hindi naman ako ipakikilala. Kapag sinasamahan niya ako sa mall o kaya mag-grocery ay hindi siya nag-o-offer na magbitbit ng mga pinamili. Kaya lang talagang pogi siya kaya hindi ko makuhang tabangan sa kanya. Kasi hindi naman ako masyadong maganda. Ano ang dapat kong gawin? Mababago pa kaya ang ugali niya?

Dear Paty,

Kung mahal mo siya at gusto mong magbago, prangkahin mo siya. Hindi sa layuning pintasan siya kundi para baguhin niya ang kanyang sarili. Baka kasi over confident lang siya dahil guwapo siya? In any case, hindi dapat umabot sa kanyang ulo ang kagandahang lalaki. Try to persuade him to change. Kung wa epek, kalasan mo na lang. Aanuhin mo ang pogi kung “companion” lang ang turing sa’yo. Hindi ka man kagandahan gaya nang sabi mo, I’m sure there are other guys na karapat-dapat sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments