Maraming sitwasyon sa buhay ng isang tao na minsan kailangan mong iiyak para maibsan ang iyong nararamdamang sakit ng kalooban. Kaya lang may mga pagkakataon naman na hindi mo dapat ipaalam ang mga ganitong sitwasyon sa iyong mga kasama sa bahay, lalo na sa iyong mga anak. Paano nga ba umiyak ng tahimik? Paano nga ba magsekreto ng iyong tunay na saloobin? Narito ang ilang hakbang:
1. Magtakip ng unan sa iyong bibig. Kung ikaw ang tipo ng tao na malakas umiyak at talaga naman halos lumabas ang iyong baga sa paghagok ng iyak. Dapat kang magtakip ng unan sa iyong bibig upang ma-absorb nito ang ingay na ibubuga ng iyong bibig.
2. Iwasan ang pagsinghot. Kung kakayanin ng powers mo, pigilan mo ang mapasinghot. Huminga na lang pansamantala sa iyong bibig. Dahil iba ang tunog ng ordinaryong singhot at ang singhot na may kasamang luha. Kapag narinig ito ng iba, tiyak na magtatanong sila sa ‘yo anong dahilan ng pag-iyak mo.
3. Ibahin ang istilo ng pag-iyak. Kung dati kapag umiiyak ka ay may kasamang hagulhol, ngayon dapat mo itong baguhin kung nais mong tahimik na mailabas ang iyong sama ng loob o pagdadalamhati. Hayaan mo lang tumulo ang iyong luha. Kagatin ang iyong labi kung kinakailangan at pabayaang ang luha lang sa iyong mukha ang umaagos sa iyong mukha. O ‘di ba? Walang sound?
4. Huwag magsalita. Gaya ng pagsinghot, iba ang sound ng ordinaryo mong boses kapag ikaw ay nagsasalita at tiyak na mag-iiba rin ito kung ikaw ay umiiyak. Magpalipas muna ng ilang oras bago magsalita. Sa pamamagitan nito ay makakalma rin muna ang iyong sarili hanggang sa mabago at bumalik sa normal ang sound ng iyong pagsasalita.