Panaginip: Dumating ang aking asawa bitbit ang aking wedding gown na bagong dry clean. Ipinapasuot niya sa akin ang wedding gown pero ayoko. Dumating sa aming bahay ang Ex-kabit ng aking asawa at pinuri ang aking gown. Napansin kong bitbit niya ang belo na ginamit ko sa kasal. Minura ko ang babae at ang asawa ko dahil nasa isip ko ay ibinigay ito ng aking asawa sa kanya. Sa sobrang galit, kumuha ako ng gunting at pinagsisira ko ang gown as in para na akong baliw na nagwawala. — still in pain
Interpretation: Hindi mo pa napapatawad ang iyong mister. May mga pagsisikap na ginagawa ang iyong mister na mabuong muli ang inyong relasyon ngunit tinatanggihan mo ito. Ito ang ipinahahayag ng eksenang pina-dry clean niya ang gown at pinakiusapang isuot mo ang gown ngunit tumanggi ka. Ang pagbitbit ng babae sa iyong belo ay simbolo na minsan ay naki-share siya sa pagmamahalan ninyong mag-asawa.