Pagkain ba hanap mo na bukod sa maraming health benefits ay makatutulong din sa iyong sexual health?
Kung hindi ka pa nakuntento sa mga nauna na nating natalakay tulad ng berdeng gulay, itlog, unsweetened tea, red wine at red meat (baka), seeds at nuts, beans at iba pang kauri nito, mga oily na isda, oatleal, talaba, o iba pang uri ng shellfish. Ewan ko lang kung hindi ka maglaway sa chocolates.
Dark Chocolate - Very sensual ang mga pagkaing malalagkit, exotic, creamy, matamis, at iba pa.
Pero iba ang dating ng dark chocolate. Iwas sa chocolate ang mga nagda-diet... Pero ang dark chocolate ay healthy... Bukod sa may health benefits ito, may tulong din ito sa ating sexual health.
Ang dark chocolate ay may compound na phenylethylamine na nagre-release ng endorphins na nati-trigger ng sex. At ito ay nagpapataas ng feelings of attraction sa dalawang tao, ayon sa research na na-publish sa Journal of the American Dietetic Association.
Sa katunayan sa brain scans ng naturang British study, nakitang ang pagkain ng chocolate ay nagiging sanhi ng mas mahaba at intense na brainbuzz kumpara sa kissing.
Sa naturang study, binantayan ang galaw ng utak at heart rates ng couples hapag sila ay naghahalikan at kapag kumakain ng chocolate.
Nakita sa brain scans ng mga babae at lalaki na mas malakas ang stimulation kapag may chocolate sa kanilang bibig kaysa sa kapag sila ay nakikipaghalikan.
Ang dark chocolate ay may disease-fighting flavonols na sanhi ng mapait na lasa sa tsokolate.
Kumain ng tsocolateng may 70 percent cacao, ayon sa rekomemdasyon ni Jeffrey Blumberg, PhD, ang director ng Antioxidants Research Laboratory sa Tufts Universit.
Ang 2-inch square ng dark chocolate ay may 100 calories na hindi makakaapekto sa inyong diet.