Ayaw ng tumayo ni ‘manoy’

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa alyas na Impo, 50 yrs old. Ang problema ko ay tungkol sa hindi na pagtayo ng aking pagkalalaki. Hindi naman ako ganito dati. Hindi rin ako nambababae dahil faithful ako sa aking asawa. Pareho kaming sexually active ng misis ko bago nangyari sa akin ang ganito kaya nagwo-worry ako na baka humanap ng iba ang aking misis. Ang misis ko ay 40 anyos lang at hindi man niya sabihin naaawa ako sa kanya. Hindi ko na maibigay sa kanya ang init ng pakikipagtalik. Pilit na pilit at halatang nabibitin ang aking asawa. Natatakot akong sumubok ng viagra dahil sabi ng iba ay masama raw ito sa may heart condition. May bahagya akong sakit sa puso. Sinasabi sa akin ng aking misis na okay lang at naiintindihan niya ako pero ayokong magkulang sa kanya. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Impo,

Sa pagkakaalam ko maraming kaso ang impotency at isa na rito ang pagiging diabetic o kaya kung nagte-take ka ng gamot sa hypertension, posibleng maapektuhan ang iyong function sa pakikipagtalik. Iwasan mo rin ang self-medication dahil baka mapasama lalo ang kalagayan mo. In the meantime, huwag mong isipin na kakaliwain ka ng misis mo dahil lang sa kakulangan mo sa sex. Ang mag-asawa ay dapat magsama sa hirap at ginhawa at ang sex ay isa lamang maliit na sangkap ng relasyon na kahit maglaho ay hindi dapat makawasak sa pagsasama. Love is the most important things in marriage.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments