NAKATANIKALA sa kinakalawang nang barbed-wire o alambreng may tinik sina Miley, Blizzard at Duktora Joanne. Nagkakasugat-sugat na sila sa mga mukha at katawan.
“Just do something para hindi kami matetano, Larry, please!”
“Naghahagilap nga ako ng anumang puwedeng pangontra, Joanne! My God, this is not happening!”
Pero tutoong nagaganap nga ang masahol pa sa bangungot!
Hindi matatanggap ng butihing duktor kapag namatay sina Joanne, Miley at Blizzard sa ganoong dahilan.
Noon natanaw ng duktor ang isang pamilyar na halaman sa di-kalayuan.
Kilalang-kilala ni Duktor Larry ang pandak na tanim, memorized din niya ang mga dahon nito.
Mabilis siyang pumitas ng mga dahon, habang nagbibigay ng pag-asa sa tatlong kapwa-tao.
“Nakakita na ako ng panggamot sa tetanus, guys! Sandaling-sandali na lang and I’ll be there!”
Dinikdik agad ng duktor ang mga dahon, kasama ang isang basong tubig.
Hinalong mabuti.
May dala na siyang towellette, bimpo, nang lapitan ang tatlong nakakulong pa rin sa barbed-wire na kinakalawang.
Natigilan ang duktor. “Holy shit! Kailangan muna palang makaalis kayong tatlo sa barbed-wire!”
Pero ang tanong ay—Paano pakakawalan sa tanikala sina Duktora Joanne, Miley at Blizzard?
This time ay hindi naging maingat ang duktor, wala sa loob na kinamay ang matutulis na barbed-wire.
“Aaaahh!” hiyaw niya, nasugatan ang mga daliri.
Pinadugo niya agad iyon para makalabas ang kalawang.
Nanatiling nakatutok ang problema—kung paano makakawala ang tatlong kapwa niya tao.
“Lord, konting tulong po! Show me the way!” sigaw na ni Dok Larry sa mataas na Kalangitan!
He shouted to High Heavens! (ITUTULOY)