Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang cheddar cheese ay nadiskubreng nakapagpapatibay ng ngipin? Pinoprotektahan kasi nito ang ngipin mula sa pagkabulok. Ang Lippa dulcis, isang halaman na matatagpuan sa Mexico ang nadiskubre naman na 1,000 beses na mas matamis kaysa sa asukal. Hindi rin ito nakapagpapabulok ng ngipin. Pinag-aaralan naman ngayon ng mga eksperto ang posibilidad na gamitin ito bilang low calorie sweetener sa hinaharap. Noong unang panahon sa ilang lugar sa Great Britain, pangkaraniwan ng regalo sa mga kasalan ang denture o pustiso. Marami kasing tao noon na nauubos agad ang ngipin kahit pa sa kanilang kabataan.
- Latest