Anong kulay ang lucky sa iyo? (2)

Narito ang inyong lucky  colors  base sa inyong birth month: April - Gumamit ng silver kapag ikakasal para suwertehin. Ang peach naman ay para maging friendly sa inyo ang mga tao. Upang maging masagana ay yellow ang isuot. Ang kombinasyong silver, yellow, at cream sa damit ay maglalayo sa inyo sa anumang karamdaman. Iwasang magsuot ng pula.

May - Gamitin ang mint green, lavender, at orange para suwertehin sa business transaction, pananalapi at pag-ibig. Huwag magsuot ng damit na itim.

June - Yellow, orange, at apple green ang magdudulot  ng good luck. Isuot ang damit na apple green kung maniningil ng pautang o anumang transaksiyon na may kaugnayan sa pera. Ang gray at dark blue ay hindi masuwerteng kulay kaya iwasan itong gamitin.-Itutuloy

Show comments