Takot ka ba makipag-date? (1)

Sa ibang mga lalaki isang malaking “challenge” ang pag-aaya ng date sa isang babae. Ito ay dahil sa sobrang  takot  nila. Ang takot na ito minsan ang nagiging dahilan kaya maraming kalalakihan ang tumatandang binata. Takot ma-reject o ma-basted at mapahiya. Kaya lang kung puro hiya ang paiiralin mo talaga naman walang mangyayari sa buhay mo. Kaya mabuting bigyan mo ng pansin ang mga payong ito:

Pag-aralan mabuti ang sarili - Kung kinakailangan at napapansin mo na palala nang palala ang takot na iyong nararamdaman, bakit hindi mo subukan na sumailalim sa isang psychological test? Ito ay upang maanalisa ang mga bagay na ikinatatakot mo pagdating sa pakikipag-date. Kung sa tingin mo naman ay masasabing O.A. ang pagpapatingin sa doctor, sumubok sa mga online psycho test para kahit paano ay mayroon kang ideya kung ano ba ito at kung paano magagamot ang iyong takot.

Maging kalmado - Kapag nasa harap ka na ng babaeng nais mong imbitahin sa date, pilitin mong maging kalmado at “cool” o mag-relax. Iwasan mong gumawa ng mga bagay na hindi naman nararapat, gaya ng pagkukutkot ng kuko, pagpipiga ng kamay sa kanyang harapan, dahil talaga naman nakaka-turn-off ito. Ihanda mo rin ang iyong sarili sa kanyang isasagot sa iyong imbitasyon. Kung pahihindian ka niya, dapat mo itong tanggapin at sabihin sa sarili na “okey lang,” may iba pa naman na papayag na makipag-date sa akin.” Hindi katapusan ng mundo kapag hinindian ka ng babaeng nais mong i-date.

Show comments